Skip to content
This repository has been archived by the owner on Nov 12, 2022. It is now read-only.

Latest commit

 

History

History
58 lines (39 loc) · 3.11 KB

README_TL.md

File metadata and controls

58 lines (39 loc) · 3.11 KB

Isang bukas na liham para suportahan si RMS.

Para pumirma, i-click ito at pangalanan ang file na <username>.yaml (palitan ang <username> sa iyong pangalan) na naglalaman ng:

name: <pangalan mo (opsyonal na organisasyon o kumpanya)>
link: <kawing sa iyong profile o pook>

Hindi kasama ang <>.

Halimbawa:

name: Halimbawang pangalan (Mabuting kumpanya)
link: https://github.com/halimbawang_username

Huwag gamitin ang <> sa file na ito, pati na rin ang mga simbolong hindi kasama sa ascii para sa pangalan ng file. Kung ginagamit mo ang iyong e-liham bilang kawing, lagyan mo ng mailto: sa simula. Kung puwede, gamitin mo ang tunay mong pangalan at ilagay mo ang mga proyekto at naka-anib na organisasyon sa saklong.

Tapos i-click ang "Propose new file" at sundin ang kailangang gawin para gumawa ng merge request.

Panatilihin nating matatag ang tono, pero propesyunal.

Kung kaya mo, i-kunsidera mo ang pamamahagi ng liham na ito sa iyong mga forum at social media, at ipabatid sa mga manunulat na makakatulong sa ating pinaglalaban.

Puwede rin i-fork at clone ang repo. Gumawa ng file na _data/signed/<username>.yaml nang manu-mano, tapos i-commit at mag-submit ng PR.

Kung gusto mong suportahan ang liham nang hindi ginagamit ang Github, puntahan ito: https://codeberg.org/rms-support-letter/rms-support-letter/issues/1, o magpadala ng nakapirmang tapal sa [email protected] o ~tyil/[email protected].

Kung kailangan mo pa rin ng tulong sa pamamagitan ng biswal na tagubilin, may bidyo para rito.

Nagbago ba ang isip mo at gusto mong ipatanggal ang iyong pirma mula sa liham laban kay Richard Stallman?

Puwede mong ipakita ang iyong intensyon dito: https://github.com/rms-support-letter/revoke-open-letter-signature

Mga silid pang-usap

Kaibigan namin

https://stallmansupport.org/

Makipag-ugnay

Kung isa kang miyembro o kumakatawan ng isang pahayagan, o isang youtuber, puwede kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng e-liham:

Lisensiya

Ang kodigo sa imbakan na ito ay nakalisensya lamang sa GPL-3.0.

Ang mga larawan sa assets folder ay nakalisensiya sa ilalim ng CC BY-SA 3.0. Ang mga larawang preview para sa social media ay nakabatay sa https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Richard_Matthew_Stallman.jpeg, na nasa ilalim ng CC BY-SA 3.0. Orihinal itong inilathala bilang pabalat larawan ng libro ni O'Reilly na Free as in Freedom: Richard Stallman's Crusade for Free Software by Sam Williams, noong Marso 1, 2002 sa ilalim ng GFDL.

Walang kopirayt ang mga pirma.